Crab Mentality


Crab mentality | http://4.bp.blogspot.com/-oM56TfCYY2o/UPEyiwQZV6I/AAAAAAAAFSY/tuodNwpKrIc/s1600/crab_mentality_by_kromatiks0009-d3fxw13.jpg

So, may kumakalat na issue ngayon sa social networking sites regarding sa pagde-degrade ng ilang mga Pilipino sa kursong Tourism/HRM etc., Ang sabi ng ilang mga Pilipino, madali lang raw ang kursong Tourism at “course ng mga bobo” raw ‘to. Karamihan kasi talaga sa kanila, sa pagkakaalam ng mga ordinaryong Pilipinong may masabi lang, sila ‘yung mga taong “bobo” o patapon. Bakit? Kasi, sila ‘yung madalas na nagtatrabaho sa mga restaurant, sa airport, sa mga fast food chains, o basta kung ano mang institusyon o korporasyon na nangangailangan ng praktikal na serbisyo; at ‘yung rason na ‘yon ang sa tingin ko ay ang pinaka-dahilan kung bakit masyadong binababa ang mga Tourism students/Tourism graduates; sila kasi kadalasan ‘yung mga waiter, flight attendant, service crew, chef, tour guide, etc., at ito ‘yung mga klase ng trabaho na para sa mga ilang Pilipino e mababa o ‘di kaya naman e parang bagsakan ng mga taong hindi matagumpay.

Pero seryoso, ano nga ba kasi ang ginagawa at inaaral ng mga Toursim/HRM students? Sa pagkakaalam ko, ang mga Tourism students, inaaral nila halos lahat ng mga bagay tungkol sa mundo o mga bansa. Nagbabalance din sila ng mga costings, kagaya ng ginagawa ng mga Accountancy students, nag-aaral din sila ng mga batas tungkol sa moralidad, nag-aaral din sila tungkol sa iba’t-ibang kultura at lenggwahe ng mga bansa, nag-aaral rin sila ng mga praktikal na gawain. Sa unibersidad namin, karamihan ng Tourism students ay nag-aaral ring magluto, nag-aaral rin silang mag bar-tending, sa pagkakaalam ko may subject silang food and beverages, etc. at aminin na natin, hindi rin talaga ‘to madali. Mahirap ring magkabisa ng mga ganitong bagay, isa pa, kagaya rin naman sila ng mga studyante sa ibang kurso na gumagawa ng kanya-kanyang thesis; na alam nating pumapatay sa mga kolehiyala/kolehiyalo. Hindi ba?

Sabi nga nila ‘di ba, “You can’t put someone down while constantly needing them for your own comfort”. Gets? Kailangan mo sila, kinakailangan mo sila sa tuwing kumakain ka sa labas dahil tamad kang mag-luto, kinakailangan mo sila tuwing aalis ka ng bansa at hindi mo alam ang mga lugar na pupuntahan mo kasi hindi ka naman nag-aral ng mga lugar sa bansa, kinakailangan mo sila tuwing hindi mo kayang linising mag-isa ‘yung silid mo sa hotel dahil bukod sa pagod ka, tinatamad ka na rin. Kung wala sila sinong gagawa ng mga bagay na ‘to para sa’yo? Hindi porket sa tingin mo ikaw ang nagbabayad sa kanila, may karapatan ka nang ibaba sila. Baka nakakalimutan mo, nagtatrabaho ka rin lang; maaaring sa ilalim ng gobyerno o kung ano mang korporasyon ‘yan. Maliban na lang kung talagang sobrang yaman mo na at mayroon kang sarili mong korporasyon/institusyon/negosyo. Pare-pareho lang tayong tao rito, at kung gaano man kataas ang natapos mo, balewala lahat ‘yan kung basura naman ‘yang ugali mo.

Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail