Pilipinas: Saan tayo patungo? 1


Habang sinusulat ko ito, kasalukuyan nangunguna si Mayor Rodrigo Duterte para sa pagka-pangulo, at Senador Bongbong Marcos sa pagka-pangalawang pangulo.

Marami marahil ang natatakot, kagaya ko, sa kahihinatnan ng Pilipinas sa susunod na anim na taon. Maraming natatakot sa maaring malawakang pang-aabuso sa karapatang pantao, o kaya sa posibleng Batas Militar. Pero dapat natin isipin na kasama ito sa kalayaan ipinagkaloob ng demokrasya. Sa makatuwid, marami ang pumili at dapat natin itong igalang.

Pero hindi ibig sabihin nito, na dapat na lang tayo tumahimik sa darating na bagong administrasyon. Kailangan natin maging kritikal sa mga bagay-bagay na mangyayari, lalo pa’t nasa limelight tayo ng buong mundo. ‘Trump in the East’ at ‘Dictator’s son’  na madalas binabanggit ngayon sa international media.

Pero dapat din natin isaisip, na dapat natin suportahan ang mga kandidato na nanalo. Dahil hindi naman naka-asa sa mga pinuno ang ikauunlad ng bansa. Dapat ito magsimula sa atin, upang masabi nga natin na #changeIsComingHuwag muna natin husgahan sila base sa takot, o sa nakaraan. Back to square one, ika nga.

Huwag din natin isipin na bobo ang isang tao, dahil lang sa kandidato na pinili nila. Hindi natin alam ang rason, o ang mga karanasan nila para masabi na mas tama ang pinili natin. Ako, naranasan ko tumira sa squatters area sa Quezon City at mapalad rin nakapag-aral sa tanyag na unibersidad kung saan nagkaroon ako ng pagkakataon makihalubilo sa iba’t ibang tao na nasa iba’t ibang estado ng lipunan. Mapalad ako na makita ang iba-ibang pananaw ng bawat tao, dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon, “talino” ang nakaka-angat.


 

Pres. Benigno Simeon Aquino, III

Tama na rin ang pagsisi sa administrasyon ni G. Aquino. Alam man natin na maraming kapalpakan na nanyari, pero dapat alam rin natin na marami rin siyang magandang naidulot sa bansa. Huwag na natin hayaan maulit ang nangyari sa nakaraan, na kung saan lahat ng maganda ay inaangkin, at lahat ng masama ay isinisisi sa nakaraan administrasyon.

Kung tatanungin niyo pa rin ako kung ano yun magandang nanyari, isa lang isasagot ko sa inyo.

Economic growth.

That explains everything. Wala na akong balak makipagtalo, pero sasang-ayon ako na hindi masyado naramdaman ang economic development.

Pero sana lang, huwag na sana mabuhay sa iiwan legacy ang susunod na mamumuno. Ang mga magagandang nasimulan ay dapat ituloy at ang mga hindi tama ay dapat ayusin pa.

Halimbawa?

  • Dapat manatili si Kim Henares bilang BIR Commissioner, dahil naging epektibo siya sa paghabol sa mga hindi nababayarang buwis. Ginagawa niya lang ang trabaho niya na nakasaad sa batas.
  • Ang patuloy na pagpapataas ng investment grade status ng bansa. Ang ekonomiya ng bansa ay kasalukuyan naka-angkla sa foreign investments at sa ipinapadalang pera ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

 

Photo by Menchit Ongpin | via Miriam Defensor-Santiago's Facebook Page [https://www.facebook.com/senmiriam/photos/a.10150301996350352.557484.96427505351/10154192003455352]

Photo by Menchit Ongpin | via Miriam Defensor-Santiago’s Facebook Page [https://www.facebook.com/senmiriam/photos/a.10150301996350352.557484.96427505351/10154192003455352]

Miriam Defensor-Santiago

Pero aaminin ko, lubusan pa rin nadudurog ang aking puso. Nakakalungkot lang isipin na ganyan lang boto ang kaya natin ibigay sa isang tao na halos ibigay ang buong sarili para sa bayan.

Nakakalungkot lang isipin na nabigyan natin ng milyun-milyon boto ang isang tao na hindi man lang pumapasok sa kongreso, at walang naipasang batas… kaysa sa tao na libo-libong may saysay na batas ang nagawa.

Siguro nga, panahon na para magpahinga ang Iron Lady of Asia. Sana, bigyan pa siya ng mahabang buhay upang makasama niya pa ng matagal ang kanyang mga mahal sa buhay.

Para sa mga kapwa ko na sumuporta kay Senador Miriam, huwag tayo malungkot. Hindi nasayang ang atin boto. Siya ang patunay na buhay na buhay pa rin ang ating pambansang awit na ‘Lupang Hinirang,’ dahil sa lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta, buhay ay langit sa piling niya… dahil handa siyang mamatay para sa ating inang bayan.

She’s the best president we never had, and will never have.

Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

About nikkodave

Nikko Dave got a BS Computer Science degree in University of Santo Tomas, Manila. He loves anything about basketball. He also wants to talk about everything, sometimes in debate.


One thought on “Pilipinas: Saan tayo patungo?

Comments are closed.