This article is my reaction to what Kevin Paul “Ose” Martija posted in Facebook. We are free to have opinions, as long as it is a healthy discussion, right?
Para sa mga tagapagtangkilik ng “jogger pants”, “crop top”, “airmax”, “roshe” na yan na sinasabayan pa ng punyetang “vape” at “IPhone”, “G-Shock” etc.
Una, tangina. Ikalawa, mukha kayong tanga. Here’s why.
Geh. Given. Pera mo naman yan eh. Ang pinagtataka ko lang, burgis ka lang, at higit sa lahat, karamihan ng tagapagtangkilik nito, nasa Class C at D lang, meaning, masa. Bakit mas ninanasa nating magkarun ng mga produktong magbibigay satin ng pantasya na “di tayo mahirap” kesa tunay na takasan ang sadlak nating realidad at magkaro’n ng tunay na panlipunang mobilisasyon?
Nakakapagtaka diba? Sa bansang gaya ng Pilipinas kung sa’n maraming mahirap, ang lakas ng sales ng Starbucks, Zarks, at mga kumpanya gaya ng Nike, Uniqlo, HM, etc. Anlaking kontradiksyon diba?
At oo, may direktang kinalaman ito sa mga putanginang #OOTD, #FoodPorn,#Selfie mo kung saan wala kaming pakialam ngunit sila ang yumayaman.
Geh. Given, komportable kamo kaya mo sinusuot. Pero kung totoo yan, pangatawanan mu hanggang kamatayan ang pagsuot niyan ha. Wag kang susunod sa bagong mauuso kasi jan ka “kumportable”.
Naalala ko kasi. Dati, sabi mo, kumportable ka sa mga sando/sleeves terno, dress, colored pants, supra, animal print, etc. Pero ngaun iba na. Iba nga ata ang kahulugan ng komportable sa komporme.
Geh. Given. Kalayaan mo na piliin ang susuotin mo. Pero malaya ka ba talaga? Pagkakaalam ko kasi, yung suot mo ngayon, nakita mo munang suot ng iba. Tama ba? Meaning, yung desisyon mo ay pinagdesisyunan din ng iba. Following that logic, malaya ka ba talaga?
Sumusunod ka lang naman sa “norm” ng karamihan. Antawag jan? “Herd Mentality”. Yes, herd.
Kunsumo. Kunsumo nang kunsumo. Magkakamukha na ang mga tao. Nalusaw na ang mga kahulugan ng mga imahe at naging “object of consumption” na lang sa harap ng kulturang popular.
Sa pagkonsumo na lang tayo sumasaya. Di na natin alam kung pano maging tunay na maligaya.
Yes, hindi lang ang mga kapitalista ang problema. Kundi yung mga taong tagapagtangkilik ng popular na kultura. Yung mga taong nabubuhay sa gitnang-uring pantasya.
Hindi lahat ng bumabangon ay gising.
#Herd#KulturangKonsyumerista#Wasak#OseParaPresidente
His post was addressed to all fanatics of jogger pants, crop top, Air Max, Roshe, vape, iPhone, and G-Shock.
I appreciate his post honestly, but I think there is too much generalization.
***
First point: “Bakit mas ninanasa natin magkaroon ng mga produktong magbibigay sa atin ng pantasya na ‘hindi tayo mahirap’ kaysa tunay na takasan ang sadlak natin realidad at magkaroon ng tunay na panlipunang mobilisasyon?”
Hindi ba pwede na mayroon lang tayong preference sa mga bagay na gusto natin tangkilikin. Honestly, I purchase things based on quality. Kung mayroon naman produkto na maganda ang kalidad, mas pinipili ko ito, pero sa katotohanan, mas marami talaga ang local products na mababa ang kalidad.
As long as hindi sila bumibili dahil uso, I think wala naman masama doon diba? Shout out sa mga gumagamit ng lumang iPhones – 4, 4S, 5, 5C, 5S, o baka mas luma pa.
Cool kid ba agad ang nagve-vape? Eh kung mas prefer nila na sirain ang baga nila gamit ang vape, kaysa sigarilyo, bakit hindi? As long as they use it sa tamang lugar.
Kung kaya nila bumili ng signature items, why not? Kahit noon pa man, may nagte-trend na fashion diba? Ano ba ang mga damit na hindi pang-“cool kids”? Pwede ba ako magkaroon ng checklist, kasi baka dahil sa uri ng damit o sapatos na isinusuot ko, pa-cool na pala ako.
***
Second point: “Sa bansang gaya ng Pilipinas kung sa’n maraming mahirap, ang lakas ng sales ng Starbucks, Zarks, at mga kumpanya gaya ng Nike, Uniqlo, HM, etc. Anlaking kontradiksyon diba?”
Una, sa pagkakaalam ko, local brand ang Zarks (correct me if I’m wrong). Umuunlad na nga ang kababayan mo dahil dinadayo ang burgers nila, may problema ka pa rin?
Aminin natin, kinakain ng malalaking kumpanya ang small to medium size enterprises.
Pero ngayon lang ako nainform na mukha akong tanga kung gusto ang Nike or ano pa man branded items. Kailangan ba na World Balance or Natasha ang gamit ko kung gusto bumili ng sapatos na pang-basketball? Mag-iintay na ba ako ng Natasha Kobe 9 o MSE LeBron XXX?
Preference lang naman yan. Can’t you respect our preference? Pero hindi ibig sabihin nun, hindi kami tumatangkilik ng local brands. Sa kwarto ko pa lang, madami na akong nakikita na sariling atin. Kahit smartphone ko ay StarMobile. Kasi if we can have a quality product na mas mura, edi okay.
***
Third point: “Given, komportable kamo kaya mo sinusuot. Pero kung totoo yan, pangatawanan mu hanggang kamatayan ang pagsuot niyan ha. Wag kang susunod sa bagong mauuso kasi jan ka ‘kumportable’.”
Ang permanente lang sa mundong ito ay pagbabago. Honestly, ito yun isa sa non-sense point mo.
***
We must point out here is the mentality of some people na pinipilit sumabay sa uso kahit hindi naman kaya. Yun tipong ipinangungutang pa. Yun tipong ayaw ilaan ang kinikita sa mas makabuluhang bagay. Kasi kung bibili man tayo ng mga bagay na hindi natin ginagamit talaga, dun tayo nagkakaproblema.
Sobrang unfair mo naman kasi sa mga talagang tumatangkilik ng mga ito dahil gusto lang talaga nila, at hindi dahil pa-cool lang,
Aminin man natin, sa pagkonsumo nabubuhay ang ekonomiya.
‘Hwag tayo magpaka-self-righteous dito.
PS: Sarap manampal ng mga nagko-comment na umaatake sa personalidad ni Ose. Ad hominem naman ang mga argument.